Mga bakuna laban sa COVID-19

Ang mga bakuna ay magprotekta sa atin mula sa virus na sanhi ng COVID-19. Lahat ng taong nasa Australya na nasa gulang na 5 taon at mahigit ay maaaring magpalista para sa kanilang libreng pagkabakuna laban sa COVID-19.

Tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19

Ang lahat na tao sa Australya na may edad na 5 taon at mahigit ay maaaring magreserba para sa kanilang pagkabakuna ngayon.

Maghanap ng isang klinika at mag-book

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay libre sa lahat ng tao sa Australya. Kabilang dito ang mga tao na walang Medicare card, mga bisita mula sa ibang bansa, mga estudyanteng internasyonal, mga migranteng manggagawa at mga humihiling ng asylum. Ang pagbabakuna ay makakatulong na maprotektahan ka, ang iyong pamilya at iyong komunidad laban sa COVID-19.

Ang Pamahalaan ng Australya ay hindi nagpupumilit ng pagbabakuna at maaari kang pumili na hindi magpabakuna laban sa COVID-19

Ang mga kautusan ng ilang mga estado at teritoryo ay maaaring nagmamandato ng pagbabakuna sa ilang mga natatanging sitwasyon. Halimbawa, para sa ilang uri ng trabaho at para sa ilang mga aktibidad sa komunidad.

Ligtas ang mga bakuna

Ang mga pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay ligtas at nakakapagligtas ng mga buhay. Sa Australya, ang Therapeutic Goods Administration (TGA) ay patuloy na sumusubaybay sa kaligtasan ng mga bakuna laban sa COVID-19 at ang mga side effect ng mga ito.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa bawat bakuna na mayroon sa Australya:

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay nagtuturo sa iyong katawan na alisin ang mga virus kung makontak mo ito.

Kung mayroon kang mga tanong o pagkabahala pagkatapos mong mabakunahan, tawagan ang iyong pinagbakunahang klinika o doktor.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos mabakunahan.

Sino ang dapat mabakunahan

Lahat ng tao na may edad 5 taon at mas matanda ay dapat magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang pagkabakuna laban sa COVID-19 ay nagpoprotekta sa iyo mula sa malalang pagkakasakit o pagkakamatay mula sa COVID-19.

Ang pagkakabakuna ay nakakatulong din na maprotektahan ang mga tao sa iyong paligid sa pamamagitan ng pagpapabagal sa pagkalat ng virus.

Upang makilalang up-to-date sa iyong pagkabakuna laban sa COVID-19, dapat nabakunahan ka na ng lahat na dosys na inirerekumenda ayon sa iyong edad at mga pangangailangan sa kalusugan.

Mula sa ika-5 ng Setyembre 2022, may mga batang edad 6 na buwan hanggang 4 na taon na matinding immunocompromised, may kapansanan, o may kumplikado at/o maraming mga problema sa kalusugan na nagpapalaki ng kanilang panganib sa malubhang COVID-19 ay magiging marapat para sa bakuna laban sa COVID-19.

Ang mga pagpapalista ay malapit nang magsisimula. Mangyaring huwag munang tumawag sa iyong doktor upang gumawa ng appointment. Sasabihin namin sa iyo kung kailan magsisimula ang pagpapalista at kung paano magpalista.

Ang mga batang nasa edad 6 na buwan hanggang 4 na taon ay dapat magkaroon ng:

  • pangunahing dosis 1 at 2 ng bakuna laban sa COVID-19
  • paunang dosis 3 na bakuna kung sila ay malalang immunocompromised.

Ang mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taon ay dapat magkaroon ng:

  • pangunahing dosis 1 at 2 ng bakuna laban sa COVID-19
  • paunang dosis 3 na bakuna kung sila ay malalang immunocompromised.

Ang mga batang nasa edad 12 hanggang 15 taon ay dapat magkaroon ng:

  • pangunahing dosis 1 at 2 ng bakuna laban sa COVID-19
  • paunang dosis 3 na bakuna kung sila ay malalang immunocompromised.
  • isang booster na dosis ng bakuna laban COVID-19 kung sila ay:
    • malalang immunocompromised
    • may kapansanan na malaki o kumplikado ang mga pangangailangan sa pangkalusugan
    • may kumplikado at/o maraming mga kondisyon sa kalusugan na nagpapalaki ng panganib sa malalang COVID-19.

Makipag-usap sa iyong doktor kung hindi ka tiyak kung ang iyong anak ay dapat mabakunahan ng isang booster.

Lahat ng taong nasa edad 16 taon o mas matanda ay dapat magkaroon ng:

  • pangunahing dosis 1 at 2 ng bakuna laban sa COVID-19
  • paunang dosis 3 na bakuna kung sila ay malalang immunocompromised.
  • isang dosis ng bakunang booster laban sa COVID-19.

Pang-apat na dosis

Isang karagdagang booster, o ika-apat na dosis ng bakuna laban sa COVID-19 ay inirerekomenda para sa mga taong dumamai ang panganib ng malalang pagkakasakit, na ibinibigay pagkalipas ng 3 buwan mula sa una nilang booster na dosis.

Ito ay magiging ika-limang dosis para sa mga taong may mahinang resistansya laban sa sakit (severely immunocompromised), may pang-medikal na kondisyon o kapansanan.

Dapat kang magpabakuna sa ika-apat na dosis kung ikaw ay:

  • 50 taong gulang o mas matanda
  • isang residente sa pasilidad ng paalagaan ng mga matatanda o may kapansanan
  • mahina ang resistansya laban sa sakit (severely immunocompromised) (ito ay magiging pang-limang dosis)
  • isang Aborihinal o Torres Strait Islander at nasa edad 50 na taon o mas matanda
  • may 16 na taong gulang o mas matanda at may pang-medikal na kondisyon na nagdaragdag ng panganib ng malubhang pagkakasakit sa COVID-19
  • may 16 na taong gulang o mas matanda na may kapansanan o mga komplikadong pangangailangan para sa kalusugan.

Ang mga taong nasa edad 30 hanggang 49 na taon ay maaaring magpabakuna ng ika-apat na dosis kung gusto nila.

Kausapin ang iyong doktor kung hindi ka tiyak kung dapat kang magpabakuna sa pang-apat na booster dose.

Kung ikaw ay nasuring positibo sa COVID-19, inirerekomenda na maghintay ka ng 3 buwan pagkatapos ng pagka-impeksyon mo ng COVID-19 bago ang susunod mong bakuna laban sa COVID-19.

Ang mga taong nagkasakit na ng COVID-19 pagkatapos ng kanilang booster dose ay dapat maghintay din ng hindi kukulangin ng 3 buwan bago magpabakuna sa pang-apat na dosis.

Mahalaga na manatiling up to date sa iyong mga bakuna laban sa COVID-19. Ang mga tao ay maaaring mangangailangan ng ibat-ibang mga uri ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa ibat-ibang mga panahon. Makipag-usap sa iyong taga-bigay ng pangangalaga sa kalusugan upang malaman kung ano ang dapat mong gagawin kasama ang iyong pamilya upang manatiling up to date.

Mga bata

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay ligtas para sa mga bata.

Ang pagbabakuna sa mga bata ay nakakatulong sa paghadlang sa kanilang pagpapasa nga virus sa mga mas batang kapatid, lolo't-lola, at ang malawak na komunidad.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 para sa mga bata at kabataan.

Ang mga buntis o nagpapasusong babae

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay ligtas kung ikaw ay buntis, nagpapasuso, o may planong magbuntis. Maaari kang magpabakuna anuman ang kapanahunan ng iyong pagbubuntis.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pagbubuntis, pagpapasuso, at mga bakuna laban sa COVID-19.

Mga taong may kapansanan

Ang mga taong may kapansanan ay may mas mataas na panganib ng malubhang pagkakasakit mula sa COVID-19 kaya kailangang magpabakuna.

Kung kailangan mo ng karagdagang tulong o suporta, maaari mong tawagan ang Disability Gateway Helpline sa 1800 643 787. Maaari silang gagawa ng booking para sa iyo.

 Kung kailangan mo ng interpreter, tawagan ang Translating and Interpreting Service 131 450 at hilingin sa kanila na tumawag sila sa Disability Gateway.

Ang mga taong may dati nang mga problema sa kalusugan

Ang mga taong may mga dati nang problema sa kalusugan ay nasa mas malaking panganib ng malubhang pagkakasakit sa COVID-19 kaya dapat magpabakuna.

Kausapin ang iyong regular na tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan tungkol sa pinakamabuting bakuna para sa iyo.

Saan makapagpabakuna

Maaari kang makakuha ng isang bakuna laban sa COVID-19 sa:

  • mga klinika ng pagbabakuna ng Komonwelt
  • mga kasaling klinika ng mga doktor (GP)
  • mga Serbisyong Pangkalusugan sa Komunidad na Kontrolado ng mga Aborihinal
  • mga klinika ng pagbabakuna ng estado at teritoryo, at
  • mga kasaling botika.

Hindi ka sisingilin ng bayad ng mga doktor sa pagkabakuna.

Upang malaman ang pinakamalapit na nagbabakunang klinika, gamitin ang Vaccine Clinic Finder. Kung nangangailangan ka ng pagsasaling-wika sa telepono o sa lugar ng inyong appointment ng pagbabakuna, tawagan ang Translating and Interpreting Service sa 131 450.

Kung wala kang Medicare card

Kung wala kang Medicare card, maaari mong makuha ang inyong libreng pagkabakuna sa:

  • mga klinika ng pagbabakuna ng Komonwelt
  • mga nagbabakunang klinika ng estado at teritoryo
  • mga kasaling botika.

‘Hey Eva’ – Easy Vaccine Access (Madaling Magamit na Bakuna)

Ang EVA ay isang madaling matatawagang serbisyo na makakatulong sa pagpalista para sa pagkakabakuna laban sa COVID-19. Ang EVA ay gumagana mula sa ika-7 ng umaga hanggang ika-10 ng hapon (AEST), 7 araw kada linggo.

Kung mag-message ka sa EVA, makakatanggap ka ng pagtatanong tungkol sa iyong:

  • pangalan
  • ginugustong wika
  • ginugustong petsa at oras
  • pinakamagandang numbero ng telepong matatawagan.

Isang nagsanay na opereytor mula sa National Coronavirus Helpline ang tatawag sa iyo sa oras na naka-iskedyul upang tumulong sa pagpalista mo para sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Naghahandog ang EVA ng impormasyon at payo tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 at makakatulong sa:

  • pagbibigay ng impormasyon at payo tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19
  • paghahahanap mo ng isang 'walk-in clinic'
  • paghahanap mo ng nararapat na appointment ng pagbabakuna
  • pakikipag-ugnay mo sa libreng suporta ng pag-iinterprete.

Para sa tulong sa pagpapalista para sa isang pagbabakuna laban sa COVID-19, SMS ‘Hey EVA’ sa EVA call back services sa 0481 611 382. Ang EVA ay umaandar magmula sa ika-7 ng umaga hanggang ika-10 ng hapon (AEST), 7 mga araw sa bawat linggo.

Bago ang iyong pagkabakuna laban sa COVID-19

Kung hindi mo pa ginawa, magpalista ng appointment.

humanap ng klinika at magpalista

Kung mayroon kang Medicare card, tiyakin na up-to-date ang iyong mga detalye:

Maaari kang hingin na sulatan ang isang porma ng pagpapayag bago sa iyong appointment, o kung ikaw ay magdedesisyon para sa iba.

Basahin ang porma ng pagpapayag.

Basahin ang impormasyon at porma ng pagpapayag para sa mga bata na nasa edad 5 hanggang 11 na taon.

Pagkatapos ng iyong pagkabakuna laban sa COVID-19

Ikaw ay subaybayan nang hindi kukulang ng 15 minuto pagkatapos ng iyong pagkabakuna baka magkakaroon ka ng isang bihirang alerdgi. Ang taong magbakuna sa iyo ay nasanay sa mangangalaga ng mga maaaring kagyat na pangyayari.

Kadalasan ang mga side effect mula sa mga bakuna laban sa COVID-19 ay banayad at mawawala sa loob ng 1 hanggang 2 araw. Kabilang sa mga karaniwang side effect ang:

  • isang makirot na braso kung saang itinusok ang iniksyon
  • nakakaramdam ng pagkapagod
  • sakit sa ulo
  • makirot na kalamnan
  • lagnat at panlalamig.

Katulad ng ibang mga gamot o bakuna, maaaring may mga bihira o hindi kilalang side effect. Kung sa akala mo ay nagkakaroon ka ng mga malalang side effect, tawagan ang iyong propesyonal na nangangalaga ng kalusugan, o ang National Coronavirus Helpline.

1800 020 080

Kung kailangan mo ng interpreter, tawagan ang National Coronavirus Helpline at piliin ang opsyon 8.

Katibayan ng pagkabakuna

Maaari kang kumuha ng katibayan ng iyong pagkabakuna laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagkuha ng iyong Immunisation History Statement.

Maaari mong makuha ang inyong Immunisation History Statement:

Kung wala kang Medicare card, o hindi makapasok sa iyong myGov account, maaari mong makuha ang iyong Immunisation History Statement sa pamamagitan ng:

  • paghiling sa iyong tagapagbakuna na magprinta ng isang kopya para sa iyo; o
  • pagtawag sa mapagtatanungang linya ng telepono ng Australian Immunisation Register sa 1800 653 809 (ika-8 ng umaga – ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes (AEST)) at hilingin sila na ipadala sa iyo ang statement mo sa koreo. Maaari itong magtatagal ng hanggang 14 na araw bago makakarating sa iyo sa pamamagitan ng koreo.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakuha ng katibayan ng iyong mga pagkabakuna laban sa COVID-19, tingnan ang Services Australia website.

Saan makakakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon

Mahalaga na manatiling may kaalaman tungkol sa COVID-19 at sa programa ng pagbabakuna magmula sa mga maaasahan at opisyal na mapagkukunan.

Ang mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa bakuna laban sa COVID-19 ay makukuha sa 63 na mga wika.

May isang information pack sa iyong wika na naglalaman ng mga babasahin tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19 ang maaaring makuha.

Basahin ang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa iyong wika.

Mga mapagkukunan

Help us improve health.gov.au

If you would like a response please use the enquiries form instead.