The government is now operating in accordance with the Guidance on Caretaker Conventions, pending the outcome of the 2025 federal election.

Long (mahabang) COVID

Karamihan ng mga tao na may COVID-19 ay gumaling nang lubosan sa loob ng ilang linggo mula nang mga unang sintomas. Alamin ang tungkol sa long COVID at kung saan makakuha ng tulong para sa iyong mga patuloy na s

Tungkol sa long COVID

Ang salitang ‘long COVID’ ay sa pangkalahatang ginagamit sa paglalarawan ng:

  • patuloy na may mga sintomas ng COVID-19 – ang mga sintomas ng COVID-19 na nagtatagal ng mahigit sa 4 na linggo
  • mga kondisyon pagkatapos magkasakit ng ng COVID-19 – mga sintomas ng COVID-19 pagkalipas ng 12 linggo na hindi naipapaliwanag sa pamamagitan ng ibang diyagnosis.

Hindi magkakapareho ang larawan ng long COVID sa ibat-ibang tao at ang mga sintomas ay maaaring maghahanay mula sa banayad hanggang malala.

Ang mga sintomas ng long COVID

Ang mga pinakapangkaraniwang sintomas na naiulat tungkol sa long COVID ay:

  • pagkahapo (kapaguran)
  • kahirapan sa paghinga
  • mga problema sa pagtatandaan at konsentrasyon (‘brain fog’).

Kabilang ang mga ibang sintomas ang:

  • mga pagtibok-tibok ng puso, kirot o pamimigat ng dibdib
  • ubo
  • pagbabago sa changes panlasa o pang-amoy
  • kirot sa kasukasuhan at kalamnan
  • mga pagkatusok ng imperdible at karayom
  • mga problema sa pagtulog (insomya)
  • pagbabago ng modo (dumaraming pag-aalala, pagkanerbyos o depresyon)
  • pagkahilo
  • sakit ng ulo
  • hindi mataas na lagnat
  • mga pantal sa balat, pagkakalbo
  • pagduruwal, pagtatae, pananakit ng sikmura, kawalan ng ganang kumain.

Sa mga bata, kabilang sa mga sintomas ang:

  • mga sintomas ng bugnutin
  • subrang pagkapagod
  • mga problema sa pagtulong.

mga kadahilanan ng panganib para sa long COVID

Ang long COVID ay kadalasang nangyayari sa mga tao na:

  • hindi nabakunahan
  • may malubhang sakit na COVID-19, pati ang mga na-ospital o kinakailangan nang masinsinang pangangalaga
  • May mga dati nang mga sakit bago nagka- COVID-19, katulad ng mataas na presyon ng dugo, sakit sa baga, diyabetis, at subrang mabigat.

Pagkakaroon ng paggamot ng long COVID

Kung nag-aalala ka tungkol sa mga patuloy na sintomas pagkatapos mong nagkasakit ng COVID-19, dapat mong kontakin ang iyong doktor para matasa ang iyong kalusugan.

Walang pagsusuri para sa long COVID. Tatanungin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong mga sintomas at ang kanilang epekto sa buhay mo. Maaari silang magpanukala ng mga pagsuri upang matukoy ang mga maaaring sanhi ng iyong mga sintomas at maisantabi ang mga ibang kondisyon.

Walang ni isang paggagamot o gamot para sa long COVID. Kakausapin ka ng iyong doktor tungkol sa pangangalaga at suporta na maaaring kailangan mo. Maaari silang magpayo tungkol sa:

  • pagsubaybay at pamamahala ng iyong mga sintomas sa bahay, katulad sa pamamagitan ng symptom diary
  • ang mga sintomas na maaaring nangangailangan ng medikal na pagka-alaga (katulad sa mga bago o nagiging malalang sintomas) at kung saan makakuha ng pagka-alaga kung nakakaranas ka ng ganitong mga sintomas
  • ano ang maasahan sa mga linggo at buwan pagkatapos ng pagkasakit sa COVID-19
  • mga suporta para sa mga pagbabago ng buhay, katulad ng nutrisyon, pisikal na gawain at pagpapayo.

Kung malaki ang epekto sa iyong buhay ang mga sintomas, maaari kang mairekomenda sa isang espesyalista o serbisyo ng rehabilitasyon na maaaring tumulong sa pamamahala ng iyong mga sintomas at sa iyong pagpapagaling.

Pagpapagaling mula sa long COVID

Ang katagal ng paggaling ay nagkakaiba sa bawat tao at mag-iiba rin ang mga sintomas kapag tumatagal. Karamihan sa mga tao ay gumagaling sa loob ng 3 hanggang 4 na buwan. Ngunit may mga tao na ang mga sintomas ay nagtatagal.

Pagpoprotekta ng sarili mula sa long COVID

Ang pinakamahusay na pamaraan upang maiwasan ang long COVID ay ang pagprotekta ng sarili mula sa pagkaka-impekta.

Ang pagkakapanatiling up to date sa pagkakabakuna laban sa COVID-19 ay makakatulong sa pagprebenta ng impeksyon mula sa COVID-19 at magprotekata laban sa malubhang sakit. Ang mga taong nabakunahan na ay mas hindi mag-uulat ng long COVID kumpara sa mga taong hindi bakunado.

Ang sagot ng pamahalaan response

Mula sa rekomendasyon ng Ministro ng Health and Aged Care, si Hon Mark Butler MP, noong ika-1 ng Setyembre 2022, ang House Standing Committee on Health, Aged Care and Sport ay nagtanong at mag-uulat tungkol sa long COVID at mga pabalik balik na impeksyon ng COVID-19.

Basahin ang interim report.

Karagdagang impormasyon

Date last updated:

Help us improve health.gov.au

If you would like a response please use the enquiries form instead.