Kailan masuri
Dapat kang masuri kung mayroon kang anumang mga sintomas ng COVID-19.
Mga uri ng pagsusuri sa COVID-19
May 2 mga uri ng pagsuri na malalaman kung ikaw ay may COVID-19 virus:
- rapid antigen self-tests (RATs)
- polymerase chain reaction (PCR, o RT-PCR)
Dagdagan ang kaalaman kung paano gumagana ang pagsuri ng COVID-19.
Saan makapagpasuri
Maaari kang mag-RAT test sa bahay. Mga botika, o tingian kasama ang mga malalaking supermarket at ilang mga gasolinahan ay nagbebenta ng mga test.
Basahin ang gabay sa:
Upang makakuha ng PCR test, kailangang kontakin ang iyong GP para sa isang rekomendasyon (referral) o pagbisita sa isang COVID-19 testing clinic kung mayroon ito sa iyong estado o teritoryo.
Bisitahin ang iyong lokal na kagawaran ng kalusugan para sa listahan ng mga testing clinic sa malapit.