The government is now operating in accordance with the Guidance on Caretaker Conventions, pending the outcome of the 2025 federal election.

Pagpoprotekta sa sarili at iba pa mula sa COVID-19

May mga hakbang na maaari mong gawin upang matiyak naikawa at ang maga taong malapit sa iyo ay ligtas.

Magpabakuna

Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay magdaragdag ng iyong proteksyon laban sa malubhang sakit mula sa COVID-19. Susundin natin ang payo ng Australian Technical Advisory Group (ATAGI) na silang gumagawa ng mga rekomendasyon tungkol sa kung sino ang mababakunahan.

Ang pagpapanatiling up to date ng iyong pagbabakuna ay nagbibigay sa iyo ng pinakamahusay na proteksyon.

Magpalista ng appointment para sa pagbabakuna

Magsuot ng mga masks kung saan kinakailangan

Ang pagsusuot ng face mask ay makakatulong sa iyong proteksyon at ang mga nakapaligid sa iyo.

Nagpapahinto ang mga face masks sa mga virus na maikakalat sa ere. Nangangahulugan nito na mababawasan ang posibilidad na makatanggap o magkalat ka ng virus.

Ang mga estado at teritoryo ay may mga nagkakaibang tuntunin kung kailan ka dapat magsuot ng mask. Tingnan ang website sa iyong lokal na kagawaran sa kalusugan para sa pinakabagong payo.

Magandang ideya ang pagsuot ng face mask kung:

  • nasa loob ng mga pampublikong lugar pati ang pampublikong sasakyan, mga klinika at ospital
  • hindi mo kayang makapag-agwatan sa ibang tao
  • nasuri ka na positibo, o nag-aakala kang may COVID-19, at nasa paligid ka sa mga tao.

Upang magsuot ng face mask na tama, kailangan mong:

  • hugasan or linisin ang iyong mga kamay bago ilagay o alisin ito
  • tiyakin na ito ay nakakatabing ng iyong ilong at bibig at nakalapat ng maayos sa ibaba ng iyong baba
  • iwasan na haplusin ang harapan ng iyong mask habang nakasuot o inaalis ito
  • panatilihin ito sa pwesto – huwag hayaang nakapulipot sa iyong leeg o sa ibaba ng iyong ilong 
  • palaging gumamit ng bagong gamit na mask
  • labahan at patuyuin ang mga reusable masks pagkatapos gamitin at itago sa isang malinis at tuyong lugar.
Date last updated:

Help us improve health.gov.au

If you would like a response please use the enquiries form instead.