Using the bowel screening home test kit (Tagalog)

Bowel screening can save your life. This video explains, in Tagalog, how to do the test when you receive your screening kit in the mail.

4:23

Ang Bowel Cancer Screening ay magliligtas ng iyong buhay. Kung ito ay natuklasan nang maaga, 9 sa 10 kaso ay maaaring magamot nang matagumpay.

Mas lumalaki ang tsansa ng pagkakaroon ng kanser sa bituka mula sa edad na 50.

Kaya naman ang mga Australyano na may edad na 50 hanggang 74 ay tatanggap kada dalawang taon ng ibreng test kit sa pamamagitan ng koreo.

Ayon sa mga taong kumuha na ng pagsusuri o test, ito ay mabilis, malinis at mas madali kaysa inakala nila.

Tatanggap ka ng isang sobre sa koreo, na kapapalooban ng lahat ng kailangan mo upang isagawa ang test, kabilang ang iyong form ng mga Detalye ng mga Kalahok (Participants Details), dalawang naipa-flush na toilet liner, dalawang may tarhetang collection tube, isang ziplock bag, isang Reply Paid na sobre at madaling isagawang mga tagubilin.

Ang test ay maghahanap ng hindi nakikitang mga bakas ng dugo sa iyong dumi na maaaring isang palatandaan ng kanser o isang tumutubo pa lang na kanser.

Ang kailangan mo lang gawin ay kumuha ng dalawang maliliit na sampol mula sa dalawang magkahiwalay na dumi.

Kolektahin ang dalawang sampol nang magkasunod hangga't maaari – ito ay maaaring sa parehong araw, kasunod na araw o kung kailan mo magagawa kaagad.

Kunin ang isang collection tube at isulat sa isang puting tarheta ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan at ang petsa kung kailan mo kinuha ang sampol.

Ilagay ito sa lugar na malapit sa inidoro.

Pagkatapos ay kumuha ng isang napapa-flush na toilet liner at ilatag ito sa ibabaw ng tubig sa inidoro. Ito ang sasalo sa iyong dumi.

Kapag nakadumi ka na, ang susunod na hakbang ay buksan ang collection tube sa pamamagitan ng pagpihit sa kulay-berdeng takip nito. Ipang-simot sa iba't ibang bahagi ng ibabaw ng dumi ang dulo ng stick na nakakabit sa takip.

Kailangan mo lamang ng kaunting sampol na mas maliit pa kaysa sa isang butil ng bigas.

Ibalik ang stick sa collection tube at i-click ang takip para masara.

Alugin ang tube nang paitaas at paibaba nang ilang beses.

Siguraduhin mong hindi mo na ito bubuksang muli. Maaari mo na ngayong i-flush ang inidoro gaya nang dati mong ginagawa.

Ang toilet liner ay biodegradable.

Ilagay ang tube sa ziplock bag at itago ito sa malamig na lugar.

Tamang-tama ang repridyereytor, ngunit huwag ilagay sa freezer ang sampol.

Kapag handa ka nang kunin ang iyong susunod na sampol, ulitin ang proseso gamit ang pangalawang collection tube.

Ito ay maaaring sa parehong araw, sa kasunod na araw o kung kailan mo magagawa kaagad. Kapag tapos ka na, isara ang ziplock bag na may dalawang tube na nakapaloob at ilagay ang ziplock bag sa repridyereytor. Ngayon ay handa ka na para sa huling hakbang.

Punan ang iyong form ng mga Detalye ng mga Kalahok, at pagkatapos ay ilagay ito sa sobreng Reply Paid kasama ang ziplock bag na naglalaman ng iyong dalawang sampol. Tiyaking nabasa mo ang checklist sa likod ng sobre bago mo ito isara. Isulat ang iyong pangalan at address sa likod ng sobre at lumagda sa harap.

Ngayon ang kailangan mo na lang gawin ay ay ipadala sa koreo ang mga sampol – sa loob ng 24 oras kung kaya mo. Ang selyo ay libre.

Ang mga sampol ay maaaring maapektuhan ng init, kaya siguraduhin na hindi mo iiwan ang mga ito sa mainit na kotse o sa direktang sikat ng araw. Dahil dito, pinakamabuting ihulog ang mga ito sa tanggapan ng koreo sa inyong lugar sa lalong madaling panahon pagkakuha mo nito mula sa repridyereytor.

Kung gagamitin mo ang mail box ng Australia Post, mangyaring ihulog ang mga ito sa post box sa dapit-hapon, bago mag-alas 6 ng hapon.

Ang iyong mga sampol ay ipadadala sa laboratoryo at ang iyong mga resulta resulta ay ipadadala sa iyo makaraan ang dalawang linggo.

Kung makatanggap ka ng negatibong resulta, nangangahulugan ito na walang dugong natagpuan sa iyong mga sampol.

Hindi mo kailangang magsagawa ng iba pang bagay hanggang sa iyong susunod na test pagkatapos ng dalawang taon.

Samantala, kung ikaw ay nagkaroon ng mga sintomas sa panahong ito, makipag-usap sa iyong doktor.

Kung makatanggap ka ng positibong resulta ng test, nangangahulugan ito na may bakas ng dugo na natagpuan sa iyong mga sampol.

Maaaring ito ay sanhi ng mga karamdaman na iba pa sa kanser, at mahalagang makipagkita sa iyong doktor upang masiyasat ito.

Kung may mga tanong ka kung paano isasagawa ang test, tumawag sa 1800 930 998.

Video type:
Presentation
Publication date:
Last updated:

Help us improve health.gov.au

If you would like a response please use the enquiries form instead.