Upang makatanggap ng pinakamahusay na proteksyon laban sa malubhang sakit o kamatayan sanhi ng COVID-19, dapat mong makuha ang lahat ng mga rekomendadong dosis na nababagay sa iyong edad o indibidwal na pangangailangan sa kalusugan. Mahalaga ang mga booster sa pagkakamentena nitong proteksyon.
Ang mga dosis ng booster ay walang bayad para sa lahat.
Ang impormasyon tungkol sa mga dosis ng -booster ay makukuha rin sa iyong wika.
Ang mga dosis ng booster
Lahat ng mga may-edad ay maaaring makakuha ng isang booster kung may 6 na buwan o mas matagal pa mula sa kanilang huling booster laban sa COVID-19 o ang kompirmadong impeksyon (anuman ang pinakahuli) para sa karagdagang proteksyon laban sa malubhang sakit sanhi ng COVID.
Ito ay tanging inirerekomenda para sa mga taong may mataas na panganib ng malubhang pagkakasakit, kabilang ang:
- lahat na nasa edad 65 na taon at mahigit
- lahat na nasa edad 18 na taon at mahigit na may mga magkakasamang sakit (comorbidities), kapansanan o makomplikadong pangangailangan sa kalusugan.
Ang mga bata at kabataan na may edad 5 hanggang 17 na taon na may mga problema sa kalusugan na naglalagay sa kanila sa panganib ng malubhang pagkakasakit ay maaari ring makakuha ng isang dosis ng booster kung may 6 na buwan mula sa kanilang huling dosis o impeksyon ng COVID-19, base sa isang pagtasa ng panganib sa indibidwal mula sa kanilang tagapagbigay ng bakuna.
Ang mga dosis ng booster ay hindi inirerekomenda sa ngayon para sa mga bata at kabataan na nasa edad ng 18 na taon o mas bata na walang mga panganib ng malalang pagkakasakit sa COVID-19.
Lahat ng mga bakuna ay aprobado na gamitin sa Australya at patuloy na nagbibigay ng napakalakas na proteksyon laban sa malalang pagkakasakit sanhi ng COVID-19, ngunit, ginugusto ang mga bakunang Omicron-specific bivalent bilang mga booster.
Ang petsa ng pinakahuli mong bakuna laban sa COVID-19 ay nasa iyong COVID-19 digital certificate.
Maghanap ng isang klinika at magpalista
Paano magpalista para sa mga dosis ng booster
Upang magpalista para sa isang dosis ng booster o pang taglamig (winter) na dosis ng booster, gamitin ang COVID-19 Clinic Finder o gamitin ang ‘Hey Eva’ – Easy Vaccine Access.
Ang EVA, ay isang madaling matatawagan (callback) na serbisyo na makakatulong sa mga tao na magpalista para sa isang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Kung kailangan mo ng tulong sa pagpalista para sa isang pagkakabakuna laban sa COVID-19, mag-SMS ng ‘Hey EVA’ sa 0481 611 382. Isang ahente mula sa National Coronavirus Helpline ay tatawag sa iyo upang matulungan kang magpalista para sa pagkakabakuna laban sa COVID-19.
Mga programa ng pag-booster para sa paalagaang tirahan ng mga matatanda
Ang programa ng pag-booster para sa mga pasilidad sa paalagaang tirahan ng mga matatanda ay nagaganap na. Dagdagan ang pagbasa tungkol sa programa ng pagbabakuna ng booster laban sa COVID-19 sa paalagaang tirahan ng mga matatanda.
Ang programa ng pag-booster para sa mga taong may kapansanan
Ang programa ng pag-booster para sa mga taong may kapansanan na may kasama sa bahay (shared accommodation) ay sinisimulan na. Dagdagan ng kaalaman tungkol sa programa ng pag-booster laban COVID-19 para sa mga taong may kapansanan na may kasama sa bahay (shared accommodation).
Kaligtasan ng mga dosis ng booster laban sa COVID-19
Ang mga kadalasang banayad na side effect pagkatapos ng isang dosis ng booster ay katulad rin ng mga side effect pagkatapos ng naunang 2 dosis.
Tingnan ang impormasyon tungkol sa kaligtasan ng bakuna laban sa COVID-19 at mga side effect.