Mga panandaliang pathway ng Support at Home (Tagalog)

Ang Support at Home [Suporta sa Tahanan] ay nag-aalok ng mga patuloy na serbisyo at 3 panandaliang mga pathway. Ipinapaliwanag ng bidyong ito ang bawat pathway at kung paano sila gumagana kasabay o kapalit ng patuloy na mga serbisyo.

2:17

Dahil sa programang Suporta sa Tahanan 

nagiging madali para sa mga matatanda 

ang manatili nang mas matagal sa kanilang tahanan 

Ang Suporta sa Tahanan ay may patuloy na 

mga serbisyo at tatlong panandaliang mga pathway 

Ang patuloy na serbisyo ay regular na pangangalaga 

at suporta sa mga pang-araw-araw na gawain 

tulad ng pangangalaga ng nars 

paliligo at paghahanda ng pagkain 

Ang mga panandaliang pathway 

ay ang Pathway sa Pangangalagang Nagpapanumbalik 

ang Pangangalaga sa Huling Yugto ng Buhay 

at ang Assistive Technology 

at Programa para sa mga Pagbabago sa Tahanan 

Ang mga panandaliang pathway ay kasabay o kahalili 

ng mga patuloy na serbisyo ng Suporta sa Tahanan 

Ang Pathway sa Pangangalagang Nagpapanumbalik 

ay nag-aalok ng panandaliang access 

sa allied health at pangangalaga ng nars 

upang mapanumbalik ang iyong lakas at kumpiyansa 

pagkatapos ng sakit o pinsala 

Kung tumatanggap ka na ng patuloy na mga serbisyo 

maaari mong ma-access ang pathway na ito 

nang sabay 

Ngunit kung bago ka sa pangangalaga sa tahanan 

maaaprubahan ka lamang para sa pathway na ito 

o para sa patuloy na mga serbisyo 

Sinusuportahan ng Pathway sa Huling Yugto ng Buhay 

ang mga matatanda na may nalalabing tatlong buwan 

o mas maikli pa sa kanilang buhay 

at nais manatili sa kanilang tahanan 

Napapalibutan ng mga mahal sa buhay 

at mga pamilyar na ginhawa 

Gumagana ito kasabay ng 

palliative care na pinopondohan ng estado 

na nagbibigay ng agarang pondo 

para sa personal na pangangalaga 

tulong sa bahay at pangangalaga ng nars 

Ang pathway na ito ay kapalit ng 

mga patuloy na serbisyo ng Suporta sa Tahanan 

Ang Assistive Technology 

at Programa para sa mga Pagbabago sa Tahanan 

ay nagbibigay ng pondo para sa mga kagamitan 

at mga pagpapabuti sa tahanan 

tulad ng mga rampa at mga hawakan 

na tutugon sa iyong mga nasuring pangangailangan 

Upang gawing mas ligtas at mas madaling 

makagalaw sa iyong tahanan 

Maa-access mo ang pondong ito 

kasabay ng patuloy na mga serbisyo 

at ng iba pang mga pathway 

Ang Suporta sa Tahanan ay tungkol sa pagpili 

kakayahang magsarili at kalidad ng buhay 

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa 

MyAgedCare.gov.au/SupportAtHome 

O tumawag sa 1800 200 422 

Video type:
Story
Publication date:
Date last updated: