Pangkalahatang-ideya ng Support at Home para sa mga provider

Ang videong ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya tungkol sa Support at Home [Suporta sa Tahanan] na angkop sa mga provider at mga taong nagtatrabaho sa aged care.

02:36

Simula sa ika-1 ng Nobyembre 2025,

isang bagong programang tinatawag na Support at Home

ang tutulong sa mga matatanda na mamuhay nang nagsasarili sa tahanan, nang mas matagal.

Bilang pamalit sa mga programang Home care Packages at Short-Term Restorative care,

ang Support at Home ay nag-aalok ng mas mabuting access

sa mga serbisyo, kagamitan at mga pagbabago sa tahanan.

Tumutulong upang manatiing malusog, aktibo

at konektado ang mga matatanda sa kanilang komunidad.

Ang Commonwealth Home Support program ay magpapatuloy.

Ito ay lilipat sa Support at Home

nang hindi mas maaga sa ika-1 ng Hulyo 2027.

Kasama ng mga pangunahing katangian ng

Support at Home ang:

Nadagdagang access sa mga mas mataas na antas ng pangangalaga na may mas malaking pondo.

Isang partner sa pangangalaga na makatutulong sa mga kalahok na makamit ang pinakamahusay na mga resulta.

Walang mga kontribusyon ng kalahok

para sa mga serbisyong klinikal.

Mas mabilis na suporta at mas maikling

mga oras ng paghihintay.

Pang-iwas na pangangalaga na may paunang pondo para sa pantulong na teknolohiya at mga pagbabago sa tahanan.

Ang mas malawak na Restorative Care Pathway na may hanggang 16 na linggong suporta.

Ang bagong End-of-Life Pathway na

nag-aalok ng hanggang $25,000

para sa mga matatanda na wala nang

tatlong buwan para mabuhay.

Mula sa ika-1 ng Nobyembre 2025,

bawat kalahok sa Support At Home ay magkakaroon ng nag-iisang service provider

para pangasiwaan ang lahat ng kaniyang mga serbisyo, badyet at tulong sa teknolohiya o mga pagbabago sa tahanan.

Ang mga provider ay magtatakda ng mga presyo ng serbisyo

mula sa ika-1 ng Nobyembre 2025,

kasamang magkakabisa ang itinakdang limitasyon ng pamahalaan sa presyo

sa ika-1 ng Hulyo 2026.

Tatlong mapagkukunan ang magagamit na ngayon

para tumulong sa mga provider sa paglipat sa

Support at Home.

Ang Support at Home Program Manual,

Support at Home Provider Transition Guide

at ang Support at Home Claims at

Payments Business Rules Guidance

ay makukuha sa health.gov.au website.

Lahat ng mga provider ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang mga kliyente sa Home Care Packag

upang rebyuhin ang kanilang mga plano sa pangangalaga at masigurado na ang kasunduan ay napirmahan

bago o sa araw kung kailan nag-umpisa ang mga serbisyo ng kanilang Support at Home.

Upang mas alamin, bisitahin ang

health.gov.au/support-at-home.

Video type:
Story
Publication date:
Date last updated:

Help us improve health.gov.au

If you would like a response please provide an email address. Your email address is covered by our privacy policy.