Gumagawa tayo ng mga pagbabago sa aged care
upang makakuha ka ng suportang kailangan mo para manatili sa tahanan.
Ang bagong programa ng Pamahalaan ng Australya na
Support at Home
ay tutulong sa mga matatanda na mamuhay nang nagsasarili
sa kanilang mga tahanan nang mas matagal.
Papalitan ng Support at Home ang kasalukuyang
Home Care Packages
at mga programang Short-Term Restorative Care,
bilang bagong programang titiyakin na may
suporta ka sa pananatili sa iyong tahanan kung kailangan mo.
Makukuha mo ang suporta para sa pang-araw-araw mong gawain tulad ng paglilinis,
paghahalaman, pamimili at paghahanda ng pagkain kung ikaw ay maaprubahan.
Magkakaroon ka ng access sa pangangalagang klinikal
tulad ng nursing, physiotherapy at continence.
Kung mayroon kang mas kumplikadong mga pangangailangan,
mayroong mas mataas na antas ng suporta para matulungan kang manatili sa iyong tahanan.
Mayroong mga pansamatalang paraan
para tugunan ang mga pangangailangan mo.
Ang planong Assistive Technonology
at Home Modifications
ay tutulong na makakuha ng mga
gamit at pagbabago sa bahay
para suportahan ang iyong paggalaw,
komunikasyon at buhay-tahanan.
Ang Restorative Care Pathway
ay makatutulong na manatili kang nagsasarili at patuloy na magawa ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.
Ang End-of-Life Pathway ay dagdag na suporta
para sa mga matatandang nalalapit
na ang pagtatapos ng buhay
na manatili sa kanilang tahanan, hangga't maaari.
Kung ikaw ay tumatanggap na ng Home Care Package,
hindi mo kailangan ng bagong pagsusuri.
Ang iyong provider ay makikipag-ugnayan sa iyo tungkol sa paglipat sa Support at Home.
Susuriin nila ang mga planong pangangalaga at
ikaw ay hihilingang
pumirma sa isang kasunduan.
Ang Support at Home ay nandito para tumulong
sa iyo na manatili sa lugar kung saan ka pinakakomportable.
Para matuto pa, makipag-ugnayan sa My Aged Care.