Ang Gobyerno ng Australya ay gagawa ng mga pagbabago kung paano popondohan ang aged care
mula November 1 ng taong ito upang maging patas
para sa bawat isa.
Patuloy na popondohan ng gobyerno ang
kalakhan ng iyong aged care.
Sa pagpalit ng Support at Home
sa programang Home Care Packages mula November 1,
maaaring may mga pagbabago sa halaga ng babayaran mo sa iyong home care.
Babayaran mo lang ang mga kontribusyon sa mga serbisyong tinatanggap mo.
Ang mga kontribusyon ay magbabago depende sa klase
ng serbisyo at ng iyong kita at mga ari-arian.
Kung ikaw ay nakatatanggap ng Home Care Package
o nasuri na karapat-dapat
para sa Home Care Package sa o bago September 12, 2024,
ikaw ay magbabayad ng pareho o mas mababang mga kontribusyon
kaysa sa pananagutan mo sa ilalim ng programang
Home Care Packages.
Para sa mga taong nasuri para sa mga serbisyong home care
pagkatapos ng September 12, 2024, ang mga kontribusyon mo sa Support at Home
ay malalaman sa isang pagsusuri ng iyong kita at mga ari-arian.
Kung ikaw ay hindi nasa pensyon, kailangan magbigay ka ng impormasyon sa iyong kita
at mga ari-arian sa Services Australia
para masuri ang halaga ng iyong kontribusyon.
Hindi mo kailangang magbigay ng kontribusyon
para sa pangangalagang klinikal tulad ng nursing at physiotherapy.
Ang halaga ng iyong kontribusyon sa mga serbisyo para sa pamumuhay na nagsasarili at pang-araw-araw
ay depende sa iyong kita at ari-arian.
Ikaw ay magbibigay ng katamtamang kontribusyon para sa mga serbisyong pagsasarili
tulad ng pangangalagang personal
at mga produkto at kagamitan
sa ilalim ng planong Assistive Technology
at Home Modifications.
Ang mga serbisyong ito ay makatutulong
na ilayo ang mga tao sa ospital
at pantirahang aged care.
Gagawa ka ng mas malaking kontribusyon para sa mga serbisyong pang-araw-araw na pamumuhay
tulad ng paglilinis at paghahalaman.
Kung hindi mo kayang magbigay ng kontribusyon sa iyong mga gastos sa pangangalaga,
ang kasalukuyang pagsasaayos ng kahirapan ay pananatilihin.
Sinisiguro nito na ang suporta para manatili
sa tahanan ay nandiyan kapag kakailanganin.
Para malaman ang higit pa, makipag-ugnayan sa My Aged Care.