Ang pagbiyahe sa loob ng Australya
Tingnan ang mga website ng lokal na kagawaran ng kalusugan para sa impormasyon tungkol sa pagbiyahe sa:
Mga pagbibiyahe sa ibayong-dagat
Patuloy na nagdadala ng panganib sa kalusugan ang COVID-19 sa Australya at sa ibayong-dagat. Mahigpit naming inirerekomenda ang paggamit ng mga mask at ang pagkakabakuna habang nagbibiyahe sa ibayong-dagat. Dapat ugaliin ang maguting pag-ubo at malinis na kamay, at ang pag-aagwatan sa ibang tao kung maaari.
May ilang mga bansa, kumpanya ng eroplano at mga opereytor ng mga barko ang maaaring may mga nakalagay na pangangailangan sa pagbiyahe sa panahon ng COVID-19. Maaaring kasama rito ang pangangailangan ng resulta ng pagsuri bago maglakbay sa check-in bago makaakyat ka sa iyong eroplano o barko. Tingnan ang pangangilangan sa pagpasok ng:
-
bansang iyong pupuntahan, o madadaanan
-
mga pangangailangan ng kumpanya ng eroplano o opereytor ng barko.
Mga mapagkukunan:
Ang mga umuuwing Australyano
Ang mga hangganan ng Australya ay bukas, at walang mga pangangailangan ng Pamahalaang Australya na:
- magbigay ng katibayan na nasuring negatibo sa COVID-19 pagdating sa Australya
- magbigay ng katibayan ng mga pagkakabakuna laban sa COVID-19
- magsuot ng mask, ngunit hinihikayat na gawin ito.
Paseguro sa Pagbiyahe
Mahalaga ang travel insurance kung magkakasakit ka ng COVID-19 habang nasa ibayong-dagat. Tiyakin na kasama sa iyong insurance ang:
- mga lugar ng mga palilipatan (transit)
- mga kasama sa COVID-19
- ibang dagdag katulad ang insurance para sa cruise lamang.
May mga pupuntahan na nangangailangan din na ang mga biyahero ay may insurance bilang kondisyon ng pagpasok.
Pagbiyahe sa barko (cruise)
Tanungin sa iyong tagapagbigay ng cruise ang mga up-to-date na kinakailangan sa barko at sa pupuntahan.
Pagbabakuna
Walang pangangailangan ng Pamahalaan ng Australya para sa mga biyahero na dapat nabakunahan bago makaakyat sa isang barko. Ngunit, inirerekomenda namin ang:
- pagkakabakuna laban sa COVID-19, dahil ikaw ay nasa pinakamapanganib na magkakaroon ng malubhang sakit at matagalang (long) COVID-19 kung hindi ka bakunado
- pag-iisipan muli kung ipagpatuloy ang pagbiyahe sa mga cruise kung hindi ka bakunado.
Mga pagsiklab ng sakit sa barko
Ang mga barkong pang-cruise ay may mas mataas na panganib ng pagkakalat ng sakit kumpara sa ibang uri ng pagbiyahe. Ang COVID-19, impluwensa, at iba pang mga impeksyon na sakit ay madaling maikalat sa pagitan ng mga tao na nakatira at nakikisalamuha ng malapitan.
Kung may pagsiklab ng COVID-19 sa iyong barko, maaaring kailangan mo ang:
- magkwarantina sa barko
- bababa at sumunod sa mga lokal na kautusan ng estado, teritoryo o bansang kinalalagyan mo.
Bago ka magbiyahe, tingnan ang payo sa Smartraveller tungkol sa mga cruises. Kontakin ang iyong travel agent o cruise operator para sa natatanging impormasyon sa kanilang mga protokol na pang-kaligtasan laban sa COVID-19.
Ang mga pamahalaan ng estado at teritoryo ay gumagawa at nagbabago ng mga ginagamit na pangkalusugang protokol na sumusuporta sa paglalayag (cruising) sa Australya.
Ang mga protokol sa industrya sa cruise ay nakakatulong din sa pagbawas ng panganib sa pagkakalat ng COVID-19 sa mga barkong pang-cruise, kasama ang:
- mga pangangailangan ng pagbabakuna ng mga pasahero
- mga plano ng pamamahala kapag may pagsiklab ng sakit
- mga planong pangkaligtasan laban sa COVID-19.
Mga internasyonal na biyahero patungo sa Australya
Ang mga hangganan ng Australya ay bukas, at walang mga pangangailangan ng Pamahalaang Australya na:
- magbigay ng katibayan na nasuring negatibo sa COVID-19 pagdating sa Australya
- magbigay ng katibayan ng mga pagkakabakuna laban sa COVID-19
- magsuot ng mask, ngunit hinihikayat na gawin ito.
Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pagpasok at pag-alis sa Australya.