Tungkol sa Coronavirus (COVID-19)

Alamin ang tungkol sa sakit na COVID-19 at kung saan matingnan ang pinakabagong bilang mga mga kaso.

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus, SARS-CoV-2.

May mga COVID-19 uri (variant) na patuloy na lumalabas. Ang World Health Organization (WHO) ay responsable sa pagsusubaybay ng mga uring nakakabahala at interesado

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa mga ibang uri na nakakabahala sa Australya

Kasalukuyang kalagayan

Ang World Health Organization (WHO) ay nagdeklara na ang novel coronavirus (COVID-19) ay isang pandemia sa buong mundo noong ika-11 ng Marso 2020.

Itong deklarasyon tungkol sa COVID-19 bilang isang pandemia ay patuloy pa.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pandemya at kung paano nating pinamamahalaan.

Mga sintomas

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus, SARS-CoV-2 virus.

Ang mga sintomas ng COVID-19 ay naghahanay mula banayad hanggang malubha.

May mga taong madaling gumaling habang mayroon ding magiging malubha ang sakit. Kung nasuri kang positibo sa COVID-19, maaari kang makakaranas ng:

  • lagnat
  • pag-uubo
  • makirot na lalamunan
  • kahirapan sa paghinga.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ating fact sheet sa pagkikilala ng mga sintomas ng COVID-19.

May mga taong hindi makakaranas ng anumang sintomas (sila ay asymptomatic) ngunit nakakapagkalat pa sila ng virus.

Mga matagal na epekto

Karamihang tao na nasuri na positibo sa COVID-19 ay gumagaling ng lubos, ngunit ang ilan ay maaaring magkakaroon ng Long COVID.

Ang mga sintomas ng Long COVID ay kaiba sa COVID-19. Maaari kang makakaranas ng:

  • masyadong pagkapagod (pagkahapo)
  • nahihirapang huminga, pumipintig na puso, makirot o paninigas ng dibdib 
  • mga problema sa pag-alaala at konsentrasyon
  • mga pagbabago sa panlasa at pang-amoy
  • kirot sa kasukasuhan at kalamnan.

Kung minsan, ang mga sintomas na ito ay magtatagal ng mga linggo o buwan. 

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa Long COVID.

Date last updated:

Help us improve health.gov.au

If you would like a response please use the enquiries form instead.