Kumusta, ako si Harvey at ako ay isang health worker.
Ipapaliwanag ko kung paano gumagana ang mga bakuna
laban sa COVID-19.
Ang mga bakuna ay itinuturok sa iyong katawan.
Wala itong tinatanggal na anumang bagay at hindi
nito binabago ang mga genes o DNA ng iyong katawan.
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay nagtuturo ay
iyong katawan na kilalanin at labanan ang COVID-19 na virus.
Hindi naglalaman ang mga ito ng COVID-19, at hindi ka
makakakuha ng COVID-19 mula sa pagkakaroon ng mga bakuna.
Ang banayad na mga epekto, tulad ng sakit ng ulo o
sakit ng kalamnan, ay nangangahulugang gumagana ang bakuna.
Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay nakakatulong na maiwasan
ang malubhang karamdaman at kamatayan. Maaaring gawin ng bawat
isa ang kanilang makakaya upang maprotektahan ang kanilang
pamilya at komunidad sa pamamagitan ng pagpapabakuna.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga bakunang
COVID-19 bisitahin ang health.gov.au/covid19-vaccines o tawagan ang
National Coronavirus Helpline sa 1800 020 080.
Para sa pagsasaling-wika at pag-iinterprete tumawag sa 131 450.